Saturday, August 28, 2010

illegal logging+rain=flood

Sige pare putulin mo na yang punong yan para maibenta natin. Dumarami ang mga illegal loggers, dumarami rin ang namamatay sa landslide. Pasaway talaga mga tao ngayon. Ibang ahensya sa gobyerno kumilos naman kayo,bakit nyo hinahayaan na mangyari yan? Siguro ay kumikita din kayo.
O ayan na ang ulan, aligaga na mga tao. Sige simulan na magligpit at lipat na sa "evacuation center". Paulit ulit na lang ang nangyayari tuwing umuulan. Nakakaawa ang mga nilalang na naaabala at naaapektuhan ng dahil sa mga "illegal logging at katiwalian ng gobyerno tungkol dito. Ngunit hindi lang naman sila ang dapat sisihin, tayong mga tao rin ang may problema kung minsan. Tapon dito, tapon doon. Kahit isang pirasong balat ng "candy" lang yan. Hindi mo alam na kayang pumuksa ng isang tao yan dahil sa iyong kapabayaan. Kelan pa nga ba magigising ang mga tao. Ang syang galit ng mundo ang syang pag iyak nya rin bunga ng pagbaha. Kawawang mga kalikasan. Napapakinabangan nga, ngaunit napupunta naman sa masama. Ano ba nangyayari sa mga tao ngayon? Dun lang ba tayo pwede kumita ng pera? Ganyan na ba kahairap Pilipinas? Alam nyo ba na ang isang puno ay napakahalaga sa atin. Sariwang hangin ang ating nakakamit at nalalanghap. Kung iyong sisilipin ang bansang Pilipinas, ito ay napaka ganda. Sobra sa ganda. Ngunit sa ganda nito matatagpuan mo rin ang mga nkakalbong puno. Napapalibutan ng masaganang tubig pero unti-unting nauubos ang kapaligiran. Ano kaya mangyayari sa Pilipinas pagkatapos ng ilang taon? hay..nakaklunglot lang isipin. Sana mauntog ang lahat ng mga taong gumagawa nito.Mas maraming puno, mas maraming buhay ng tao ang maliligtas.

Friday, August 27, 2010

MUCHO Redhorse lang katapat mo!(PULANG KABAYO)

Hay naku! paulit ulit na lang noh."Huwag ka na kaya bumalik" o kaya naman ay "Patawarin mo na ako hindi na ako uulit". Dalawa lamang yan sa mga maririnig mo sa mga taong nilalayasan ng kanilang kalive in o minamahal. Kay sarap namnamin ang mga panahong magkasama kayo ng may mga ngiti sa mga labi, nagkakape at take note ice cold coffee,umiinom ng SML can sa terris habang nakatingin sa Manila Bay. Namimis mo rin iyong hinihintay mo siya galing sa trabaho at pag-alam mong pauwi na siya sisimulan mo ng maligo ng bonggang bongga. Pag-uwe niya hahandaan mo siya ng "dinner". Kung minsan pa nga ay nasusunogHabang ikaw ay busy sa pag luluto hindi mo alam may kadate na palang chix. Kamusta naman iyon? Pag-uwe nya maliligo sabay magtatanong ka kaagad saan ka galing? Dyan lang kasama tropa gumimik sa Malate. Ahy malerki ka naman dun sa sagot na iyon. Edi sana pala ay hindi mo na itinapon ang sinunog na kanin at ulam, nang maranasan nya rin ang pait ng paghihintay. Dahil sa galit ka at galit na rin siya tutulugan ka nya, sayang iyong "effort" mo na maligo. Sana pinag bukas mo na lang ang pag-ligo. Sayang ang sabon, shampoo, lalo na iyong tubig. Oh anu badtrip ka na noh? Oh sige bili ka na lang sa baba ng condo nyo, may Ministop dun. Anong ginagwa ng redhorse nilang "MUCHO" dun. Kaya nga may alak para inumin hindi para idisplay lang. Oh sige ilan kaya mo? Isa-isa lang mahina kalaban. Samahan mo na rin ng isang piattos o kya naman ay Mr. Chips para tipid. Syete lang kaya iyon at mas marami betsin kaya nga malasa. Habang paakyat ka gamit ang elevator umiiyak ka pero may konting hiya, hello may kamera kaya noh?.. Pag bukas mo ng pinto tinulugan ka na talagang tuluyan. Edi lalo nawindang utak mo. Simulan mo na uminom "ROUND 1" .Wala pa sa kalahati lasing ka na. Naglalasing lasingan o mahirap uminom ng walang kainuman? Kaya yan kalahati na lang eh. Ahy! sus nagtira pa ng 1/4, E saan mo pala ilalagay yan? Itatapon?Huwag sayang.Sa pagkain hindi nanghinayang pero sa alak bawat patak mahalaga. Ganto na lang ilagay mo na lang sa refrigerator. Pag tayo mo sa upuan, nadulas sa kamay mo iyong bote ang bigat kasi ng "MUCHO". Asus paano yan lalo pa magagalit sayo, aligaga ka na. Kukuha ba ako ng walis?basahan?kakamayin?Ahy wag ganun mabubog ka pa. Wala pang isang minuto nagising na siya. Nakita niya na nabasag mo. Para hindi ka mabulyawan, kunwari galit ka. Magwawalk-out kunwari. Punta sa kwarto hahagulgol sa iyak. Pagsilip mo sa sala nililinis niya na iyong binasag mo. Nakakahiya ka, "BEST ACTRESS keme" ka na nga, siya pa pinagligpit mo ng bubog. Pag balik niya sa kwarto. Galit galitan ka pa rin. Kinuha ang maleta sa kabinet at kinuha lahat ng damit, sapatos at iba mo pang gamit. Mabuti nga pati medyas at "undies" nya hindi mo nilagay sa bulsa ng bag mo. Ngayong handa na ang lahat. Sure ka na ba dyan?o "acting na naman. Hinwakan nya ang iyong kamay at sinabing huwag mo ako iiwan hindi ko na uulitin.Sabay lapit  sa iyo at niyakap ka. Nawindang ka ng bongga. Niyakap mo rin siya. Infairness effective ang drama mo. Pulang kabayo lang katapat mo. O ano?shot pa o tulog na? ang iyong niluluto para sa kanya. Edi bonggang bongga na itatapon mo iyon. Aba! syempre alang pala pakain mo iyon sakanya, edi nilayasan ka nya mas maaga aga.